Friday, November 27, 2009

Urbana at Felisa

URBANA AT FELIZA*
(Excerpts)

ni Modesto de Castro

Ang Pagdalao

Manila….
FELIZA: Isa sa mga gaung tapat na ipinag-uutos nang paquiquipag capuoa tauo, ay ang pagdalao sa camaganac, caibigan o caquilala cun capanahonan cun dinadalao nang masamang capalaran o namamatayan caya ay carampatang dalauin at maquiramay sa catouaan, o aliuin caya sa harap. Ituro mo Feliza cay Honesto, cun papaano at cailan gagauin ang pagdalao.
Ang una una, i, gaun sa capanahonan, at pag di natama sa oras ay naiinip ang dinadalao, at magdadalang hiya ang dumadalao. Sa oras na may guinagaua, lalo’t cun nagagahol sa panahon cun cumacain, humahapon o nagdarasal ay di na uucol gauin, maliban na lamang cun magcadatihan ang nag-dadalauan. Caya dapat ipagtanong ang caugahan (nang bayan at sa lahat nang caquilala) at nang houang madalao sa panahong di uucol .
Cun nacasara ang pintoan nang daan, ay tugtuguing banayad at houag dalas-dalas.
Cun pamapanhic sa hagdanan, ay patatao, at cun may casamang tauo na ucol igalang ay ilalagay sa maguinhauang panhican.
Cun may casamang matanda, at di macacaya, ay tulungang pumanhic, at alalahanin ang panahong haharapin.
Cun pumapanhic na sa hagdanan, ay magdarahan nang patungtong sa baitang at huoag maingay at cun may masalubong na matanda o guinoo ay tumigil at paraanin sa canan o sa mabuting daanan.
Pagcapanhic nang hagdanan, ay huoang caracara, I tutuloy magpasabi sa alila cun mayroon, at cun uala ay tumugtog nang marahan sa pinto at nang mamalayang may tauo.
Cun datnang bucas ang pintoan nang salas o cabahayan, silid o iba cayang pitac nang bahay ay houang sisilip-silip, at sala sa cabaitan.
Cun macapagbigay na nang galang sa may bahay, icao ay patoloyin sa cabahayan at paupoin ca ay lumagay nang mahusay, houag magpaquita nang cagaslauan, na para baga nang manguyacoy, magpatong nang paa at magpaguiling-guiling.
Cun may dalang sombrero at tungcod, houag ilagay sa lamesa, canafe, cun di sa inaacala na mamatapatin nang may bahay lalong ibinabaual, na ilagay sa sa hihigan.
Cun ang dinadalao ay maquita na may gagauin, cacain o aalis caya, ay houag aabalahin, at ang catmpata, i, magpaalam.
Cun ang dumadalao ay mahal na tauo, ay samahan may hanggang sa daan, at sacali, t gabi ay tanglauan nang candilang may ningas cun mayroon.
Cun cayo ay dumadalao, at sa pag-alis ay sasamahan cayo nang may baha’y.
Cun sa inyong pagpupulong ay may dumating na ibang tauo na di caratihan, sa caratihan man sacali at inaacala ninyo na may ipahahayag na lihim, ay houag abalahin, magpaalam sa may bahay at sa lahat.
Cun lalaqui ang dumadalao sa isang babaye, ay di catungculan ihatid pa sa hagdanan o sa daan, maliban na lamang cun tooong mahal na tauo, nguni, ang lalaqui ay dapat maghatid sa babaye at catamtamang ilagay sa canan.
Cun cayo, i, dalauin ay dapat gumati, at cun cayo, i, anyayahan sa isang piguing nang iquinasal o ano mang pagcacatoua, ay nauucol na sa loob nang ualong arao ay gantihan namang dalauin na parang pagpapasalamat sa caniyang paquitang loob.
Cun cayo, i, anyayahan sa bahay nang binyag o libing at di nacapag bigay loob, cun macaraan na, ay carampatang dalauin at ipahayag ang cadahilanan.
Cun cayo naman ang pa sa libing o sa bahay caya nang namatayan, sila naman ang may catungculan na gumating dumalao.
Ang anyaya, i, magagaua sa bibig o sa sulat at ang inaanyayahan, cun ibig pahinuhod ay houag magpairiri at sa ibig sa ayao ay pasasalamatan ang gayong paquitangloob. Cun sacali’t aayao ay tumangi nang mahusay, at ang dahilanin ay ang manga gauain at iba pang bagay na paniualaan, ngunit ciilag sa cabulaanan.
Pag napaoo, ay houag sumala sa oras na taning, at cun di macatupad nang pangaco, ay sabihin ang pinacadahilanan, at di carampatang sumira nang pangungusap, maliban na lamng cun may tunay ana pinagcabalahan. Alamin ang oras nang houag dumating na maaga, at houag namang mahuli.
Feliza, si Honesto palibhasa, i, bata, hindi malayo na sa paquiquipagcapouatauo, ay magpaquita nang capusucan nang loob, cun macarinig nang capusucan nang loob, cun magcbihira, i, di macapag paparaan, caya pangungusapan mo na iilagan ang paquiquipagtalo.
Cun macarinig nang di catouiran at di mapangaralan ang ngaungusap, ay pa-raanin, cun ang macarinig ay linis sa cato-tohanan, ay houag sagasain, nang di pagtalunan.
Si Honesto, i, na sa panahon pa nang pagaaral nang ucol sa Dios, ganag sarili at sa paquiquipagcapuoa tauo, caya turoan mong tumupad, nitong tatlong catungculan, na catampatang pag-aralan nang isang cristiano.
Cun matutong cumilala, sumamba, t, mamintuho sa Dios, ay di lalaquing bulag ang isip, matututong umilag sa casalanan, mamimihasang gumaua nang cabanalan, matiticman ang caguinhauhan at magandang capalaran quinacamtan dito sa ibabao nang lupa nang isang catoto nang Dios, na sampong sa hirap at casaquitan ay nacaquiquita nang toua’t caligayahan, inaaring cruz na magaang pasanin, minamatamis sa loob, tinatanggap nang boong pagibig, at palibhasa, i, natatanto na di macasususnod nang langit, cin di magpasan nang Cruz.
Natatanto rin naman na mag cacadalaua ang hirap nang di marunong umayon sa calooban nang Dios, hirap na ang dumarating ay naghihirap pang lalo sa di pagcatutong magtiis, sapagca’t iquinagagality, at cun minsa, i, ipinangangalit ay lalong nalulubog sa hirap. Nguni ang marunong magtiis, ay magtiis, nacararanas nang toua sa hirap, sapagca, t, inaaring cruz na bigay nang Dios, at minamatamis sa loob.
Cun si Honesto, i, matuto nang catungculang ucol sa caniyang sarili, cahit ualang tauong sucat sacsing cahihiyan, cahit hualang taoung sucat macquita na sa caniya, i, sumisi, ay di pahihinuhod ang loob sa isang licong isip, di mapapanibulos sa isang gaua cayang lihis sa matouid, at palibhasa, i, natatanto ang boong cahulugan nang masama at magaling.
Cahit paghandogan nang boong cayamanan at carangalan sa mundo, cahit pagpisanan nang lahat nang hirap, cahit icatapos nang buhay, ay di magpapahamac gumaua nang icacasira nang sariling puri, palibhasa, i, natatanto yaong matouid na hatol nang Dios Espirito Santo na isinulat Ni Solomon; magpilit cang mag-ingat nang magandang pangalan, ang cahuluga, i, magmahal ca sa asal.
Cun Matutong maquipagcapoua tauo, i, magpapacailag sa quilos, asal at pangungusap na macasusucal sa mata nang iba, at di man cusain, ay calulugdan at iibiguin nang lahat.
Ipagcaloob naua nang Dios na matandaan at itanim sa dibdib ni Honesto itong maicling hatol na isinulat co sa iyo, at nang malagui sa pag-ibig sa Dios, at matutong magpacamahl sa asal. Adios, Feliza, hanggang sa isang sulat. URBANA.

-------------------------------------------------------------------------------------

* P. Modesto de castro, Pag susulatan nang dalawang binibini na si Urbana at si Feliza na magtuturo ng mabuting caugalian, (Reprint; Manila Libreria J. Martinez, 1902). p. 74-77.

No comments:

Post a Comment